Nag-inhibit si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa pagtalakay sa lahat ng kaso na ihahain laban kay dating Caloocan Cong. Edgar Erice.
Gayundin ang mga petisyon na isusumite ng dating mambabatas.
Ayon kay Garcia, bunga na rin ito ng mga isyu at kaso na ipinukol laban sa kaniya ng dating mambabatas.
Partikular na rito ang pagkwestyon sa kontrata ng Comelec sa MIRU System at paratang na nakinabang sa kasunduan si Chairman Garcia.
Paliwanag ni Garcia, layon ng kaniyang pag-inhibit ay para mapangalagaan ang pagiging patas sa pagtalakay at maiwasan ang conflict of interest.
Una rito, kinatigan ng 2nd Division ng Comelec ang petisyon na nagpapa-diskuwalipika kay Erice bilang aspirante sa pagka-kongresista sa 2nd District ng Caloocan City.