Tahasang hinamon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang mga nag-aakusa sa kaniya na magbigay ng sinumpaang salaysay upang patunayan ang mga alegasyon sa laban sa ahensiya.
Sa gitna pa rin ito ng isyu ng umano’y pagtanggap ni Garcia ng milyun-milyong piso mula sa Korean firm kapalit ng pagpabor sa Miru Systems bilang poll provider sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Comelec Chair, batid na niyang may mga nagpaplanong siraan siya at ang mga opisyal ng ahensiya kaya agad siyang naglabas ng waiver of bank secrecy at affidavit of denial para igiit na walang katotohanan ang mga inaakusa ng ilang kongresista.
Kasunod nito, may hamon din si Garcia sa mga indibidwal na nagpaparatang sa kaniya:
Sinabi pa ni Garcia na hiniling na rin niya sa Anti-Money Laundering Council na makipag-ugnayan sa kanilang counterparts sa ibang bansa lalo na’t naaapektuhan ng kontrobersiya ang integridad ng Comelec at ng mismong halalan.
Inaakusahan si Garcia na mayroong 49 na bank accounts sa iba’t ibang bansa.