Comelec Chairman Garcia, ipinapa-contempt na sa Korte Suprema

Pinapa-contempt sa Korte Suprema si Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.

Bunsod ito ng kaniyang pahayag na mapipilitan silang bumalik sa mano-manong botohan kapag ibinasura ng Korte Suprema ang kontrata sa MIRU para sa 2025 midterm elections.

Sa tatlong pahinang mosyon, iginiit ni dating Congressman Edgar Erice na iginagalang dapat ang anumang magiging desisyon at hindi binabalaan ang Kataas-taasang Hukuman.


Paliwanag naman ni Garcia, kailangan niya magsalita para malaman ng tao ang update sa papalapit na eleksyon mula mismo sa Comelec.

Facebook Comments