COMELEC Chairman Garcia, malayang maghain ng ethics compliant laban kay Congressman Marcoleta

Ayon kay SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta, demokratikong bansa ang Pilipinas kaya malaya si Commission on Elections o COMELEC Chairman George Garcia na maghain ng Ethics Complaint laban sa kanya.

Sabi ni Marcoleta, maaari itong gawin ni Garcia kung naniniwala ito na mayroong ground o basehan at tama na hainan siya ng reklamo sa House Committee on Ethics.

Ipinunto ni Marcoleta na kasalanan ba kung may nakita siyang paraan para patotohanan ang nauna niyang ibinunyag na mayroong mga offshore accounts si Garcia.


Una rito ay isiniwalat ni Marcoleta na nasa 49 ang offshore account si Garcia na may kabuuang halaga na halos 1-bilyong piso at kahina-hinala na nataon ang transfer umano rito ng pera sa panahon na pinapaboran ng COMELEC ang Miru Systems para maging automated service provider sa 2025 elections.

Paliwanag ni Marcoleta, hindi dapat tingnan bilang demolition job ang kanyang hakbang dahil ang layunin nya ay protektaha ang COMELEC at ang integridad ng ating halalan.

Facebook Comments