Comelec Chairman Garcia, may panawagan kay PBBM kaugnay sa pagtatalaga ng dalawang bagong commissioner

Ilang araw bago magretiro ang dalawang kasalukuyang Commissioners, nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa hanay ng kanilang mga opisyal na lang pumili ng mga bagong mauupo.

Nakatakda kasing magretiro sina Senior Commissioner Socorro Inting at Marlon Casquejo sa darating na February 2.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, umaapela sila sa pangulo na mula na rin sa mga opisyal ng poll body ang italagang dalawang bagong commissioners.


Bagama’t hindi raw niya diniktahan ang pangulo ay malaking bagay na raw kung mula sa poll body ang maitatalaga dahil hindi na mahihirapan ang mga ito sa trabaho.

Mas magiging maayos din aniya ang paghahanda lalo na’t ilang buwan na lang ang natitira bago ang midterm elections sa Mayo.

Kabilang na rito ang mga kailangang gampanan at mga dinedesisyunang kaso na inihain sa poll body.

Facebook Comments