Inihahanda na ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang posibleng kasong isasampa laban sa likod ng mga akusasyon na ibinabato sa kaniya.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, maitututing na falsification of documents ang mga ipinadalang dokumento sa Comelec lalo na’t marami na rin bangko ang itinatanggi na meron account sa kanila ang Comelec Chair.
Aniya, natunton na rin nila kung saan nagmula ang dokumento na taliwas sa unang sinabi na nagmula ito ang mga dokumento sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Garcia, nauna na siyang nakakuha ng white paper o kopya ng mga reklamo laban sa kaniya.
Kaugnay nito, kumbinsido ang poll chief na pawang paninira lamang ang mga akusasyon ibinabato sa kaniya bunsod na rin pagpirma ng Comelec sa Miru System para maging provider sa 2025 midterm elections.