Iginiit ng Commission on Election (COMELEC) na tama ang kanilang desisyon na i-disqualify ang Smartmatic sa bidding para sa pagkuha ng technology provider para sa 2025 midterm election.
Ito’y matapos kasuhan ng Department of Justice sa Amerika ng paglabag sa anti-money laundering si dating COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Garcia, unti-unting lumalabas ang mga ebedensya na nagkaroon ng suhulan sa mga opisyal ng COMELEC noong 2016 para paboran ang Smartmatic at igawad ang election contract ng Pilipinas.
Kasabay nito, tiniyak ng poll chief sa United States Department of Justice (US-DOJ) na makikipagtulungan ang COMELEC para sa mga dokumento na kakailanganin sa kaso.
Katunayan, mayroon na raw mga kinatawan mula sa US DOJ ang nagtungo sa kanila na humihingi ng mga dagdag ebidensya para madiin sa kaso si Bautista pero hindi naman tinukoy ni Garcia kung anong mga dokumento ang kanilang ibinigay.