
Inakusahan ng mga miyembro ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan, Church Leaders Council for National Transformation at ilang bagong halal na opisyal, ng system interference si Commission on Elections o Comelec Chairman George Erwin Garcia at siyam na iba.
Kaugnay ito ng anila’y pakikialam ni Garcia sa transmission ng mga boto nitong nakalipas na halalan.
Sa 15 pahinang reklamo na inihain sa National Bureau of Investigation (NBI) Fraud and Financial Crimes Division, iginiit ni Isabela Vice Mayor Harold Respicion na iligal ang pagpalit ng Comelec ng version 3.5.0 sa na-audit na version 3.4.0 noong April 30.
50 million counts ang isinampang reklamo laban kay Garcia dahil lahat anila ng botong dumaan sa version 3.5.0 ay interfered votes
Sakaling mapatutunayang guilty, maaaring makulong ng hanggang anim na taon at magmulta ng hanggang dalawandaang libong piso ang mga akusado.









