COMELEC Chairman George Erwin Garcia, personal na sinaksihan ang voters registration sa Tawi-Tawi

Personal na binisita ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang ongoing voter registration sa Tawi-Tawi bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ang grupo ni Garcia ay nagsagawa ng walkthrough sa registration process sa Bongao, Tawi-Tawi

Aniya, kuntento siya sa turnout ng mga nagpapatalang first-time voters para sa halalan sa October.


Mula sa Tawi-Tawi, nagtungo rin ang COMELEC officials sa Zamboanga, kung saan dinalaw nila si Aknam Hasim, election officer ng Maluso, Basilan.

Si Hasim ay nabulag matapos matamaan ng bala sa pamamaril habang nasa duty noong October 2021.

Kinausap din ni Garcia ang pamilya ni Ruayna Sayaddi, election officer naman mula sa Albarka, Basilan na napatay habang nasa oras ng trabaho sa Isabela City noong July 2022.

Facebook Comments