Pinag-aaralan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng umano’y paninira sa kaniya at sa poll body.
Sa ambush interview kanina, sinabi ni Garcia na posibleng maghain sila ng reklamong falsification kabilang na sa mga may hawak ngayon ng mga dokumentong umano’y naglalaman ng mga paninira sa ahensiya.
Ayon kay Garcia, handa rin siyang patunayan na walang katotohanan ang mga inaakusa laban sa kaniya na may 49 siyang bank accounts at peke ang mga dokumento.
Una nang nagbigay ng waiver si Garcia sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang buksan ang kaniyang bank accounts at humingi na rin siya ng tulong sa at NBI para tukuyin ang nagkakalat ng mag impormasyon na sumisira din umano sa kredibilidad ng Comelec.