COMELEC CHECKPOINT, SINIMULAN NA

Sinimulan na kahapon ang pagsasagawa ng checkpoint sa buong lalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng Commission on Elections Pangasinan at ng Pangasinan Provincial Office na siya ring hudyat ng election period bilang bahagi ng paghahanda sa midterm elections.
Isa-isang ininspeksyon at tinignan ang mga dumadaang motorista, Public Utility vehicles, at mga pribadong sasakyan sa bahagi ng checkpoint sa bahagi ng Brgy. Tapuac , Dagupan City kahapon.

Tiniyak ni PANGPPO Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian, ang kaligtasan ng publiko sa papalapit na halalan.

Magtatagal ang checkpoint hanggang sa June 11, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨


Facebook Comments