COMELEC Checkpoints, Sinimulan Na!

Tuguegarao City, Cagayan –Eksakto 12:01 ng madaling araw ng Enero 13, 2019 ay simulan ang pagsita sa mga sasakyang dumaan sa Maharlika Hi-way, Barangay Carig Sur, Tuguegarao City sa pagsisimula ng unang araw ng election period 2019.

Ang COMELEC checkpoint sa Carig Sur ay isa lamang sa limang inilagay na checkpoint sa Lungsod ng Tuguegarao bilang hudyat ng gagawing paghihigpit ng COMELEC at mga otoridad upang maiwasan ang pagkalat ng mga armas ngayong election period.

Maliban sa Tuguegarao na siyang regional center ng Cagayan Valley ay sabay ding inilatag ang mga checkpoints sa ibat ibang bahagi ng rehiyon at bansa bilang bahagi ng mandato na gawing mapayapa ang May 2019 election.


Pinangunahan ni Cagayan COMELEC Provincial Election Supervisor Atty Manuel Castillo na kumatawan kay COMELEC Regional Director Atty Ederlino Tabilas ang paglatag ng checkpoint kasama ang puwersa ng PNP PRO2 sa pangunguna ni PRO2 Deputy Regional Director for Administration PCSupt John Cornellos Jambora na siyang kumatawan kay PRO2 RD PCSupt Jose Mario Espino.

Nagpadala din ang militar ng tropa sa pangunguna ni 2Lt Nixon Vallar ng 17th IB bilang kinatawan ni Commanding Officer LtCol Camilo Sadam.

Kasama din sa mga opisyal na nagsagawa ng checkpoint ay sina Cagayan PNP Provincial Director PSSupt Ignacio Cumigad Jr, PRO2 PIO Chief PSupt Chevalier Iringan, Tuguegarao City COP PSupt George Cablarda at iba pang mga opisyal ng COMELEC ng rehiyon at probinsiya , PRO2, PNP Cagayan at Tuguegarao.

Sa panayam sa mga naturang opisyal ay kanilang ipinayo sa mga mamamayan na huwag katakutan ang mga checkpoint dahil ito ay laan para sa seguridad ng mamamayan at ganun din sa maayos na halalan.

Facebook Comments