Itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC) si Commissioner Aimee Ferolino bilang pinuno ng Inter-Agency Task Force ‘Kontra-Bigay’ na siyang aaksyon sa mga reklamo kaugnay ng vote-buying.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, si Ferolino ang magtatakda ng mga panuntunan na gagawing gabay sa pagtutok ng komisyon sa pagbili ng boto ngayong 2022 election.
Aniya, maaari ring motu proprio o kusang kikilos ang komisyon para mag-imbestiga o tumanggap ng mga reklamo ukol sa vote-buying.
Matatandaang si Ferolino ang kinuwestyon ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon dahil sa kaugnayan umano nito sa pagkaantala ng paglalabas ng desisyon hinggil sa diskwalipikasyon ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Facebook Comments