Ibinunyag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na may natanggap syang pagbabanta na posibleng may kinalaman sa patuloy niyang pagtutol na makaupo sa pwesto ang isang party-list group.
Ayon kay Guanzon, batay sa natanggap nyang text message ay pinagbabantaan syang may ibubunyag laban sa kanya at pakakasuhan siya.
Hindi naman natinag si Guanzon sa naturang text message at tukoy na aniya niya kung sino ang nagpadala sa kanya ng naturang mensahe
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Guanzon na hindi siya ang ponente sa kaso ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.
Gayunman, tiniyak ni Guanzon na hindi magugustuhan ng kanyang mga kapwa commissioner ang ‘smear campaign’ laban sa kanya.
Magugunitang si Cardema ay naghain ng kanyang substitution upang maging nominado ng Duterte Youth party-list.