COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, kinumpirmang PUM din siya

Kinumpirma COMELEC Commissioner Rowena Guanzon siya ay isa ring Person Under Monitoring (PUM) at kabilang sa mga high risk.

Ito ay dahil may hika aniya siya bukod pa sa hypertensive at mahigit animnapung taong gulang na.

Sa ngayon aniya ay bahagya siyang inuubo subalit hindi siya nakikipag-unahan sa pagpapasuri sa RITM taliwas sa ginawa ng ilang pulitiko.


Partikular na inupakan ni Guanzon ang mga pulitiko na nambraso pa sa mga doktor sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para lamang unahin sila sa COVID-19 test sa kabila ng hindi naman sila nasa high risk at wala namang nararanasang sintomas.

Facebook Comments