Walang balak ang Commission on Elections (Comelec) na ilagay sa ilalim ng kanilang control ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay bilang paghahanda para sa unang parliamentary polls ng BARMM na matataon din sa isasagawang midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, hindi agad isasailalim sa Comelec control kapag may gulo at nakadepende ito sa lebel ng sitwasyon.
Maingat aniya ang poll body lalo na’t mayroong stigma sa mga lugar kapag inilagay sila sa ilalim ng Comelec.
Sa kabila nito, nanawagan si Garcia sa mga residente na tumulong para maging maayos at mapayapa ang halalan.
Nagbabala rin si Garcia na iwasan ang vote buying, karahasan at terorismo para takutin ang publiko na maaaring makasira sa halalan.