Nagpahayag ng mensahe ang Commission on Elections (COMELEC) Dagupan para sa bagong nahalal na mga mamumuno sa susunod na tatlong taon.
Binigyang-diin sa panayam kay COMELEC Dagupan Officer Atty. Michael Franks Sarmiento ang pagsasakatuparan sa mga ipinangako ng mga kandidato sa panahon ng campaign period.
Aniya, sana umano ay matupad ng mga ito kung ano man ang mga plataporma at programang sinabi nito noong nililigawan pa nila ang boto ng sambayanan.
Dagdag niya, nararapat lamang na gawin kung ano ang ikabubuti ng mas nakararami.
Samantala, nagpaabot din ito ng kanyang pagbati sa mga nanalong kandidato sa Dagupan City matapos ang proclamation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







