Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga lokal na kanidato sa pagsisimula ng local campaign period ngayong araw.
Ayon kay Atty. Michael Sarmiento malinaw sa batas na ipinagbabawal ang vote buying o pagbili ng boto. Kailangan din umanong magsumite ng kanilang State of Contributions Expenditures o SOCE dahil kung Manalo man ngunit walang SOCE walang proklamasyon ng pagkapanalo nito at hindi rin makakpagserbisyo sa publiko.
Alinsunod sa Comelec na ipinagbabawal ang pagsabit o paglalagay ng campaign ads sa punong kahoy, light posts, electrical wires, eskwelahan, waiting sheds, sidewalks, traffic signs, mga tulay, barangay halls, health centers, public shrine at iba pang pampublikong gusali.
Sinabi ni Atty. Sarmiento ang sinuman kandidatong lalabag ay maaring makulong ng isa o anim na taon diskwalipikasyon at iba pa kaya naman mas mainam na sumunod na lamang sa panuntunan ng Comelec.
*Contributed by
Joshua Sulla
Erwin Cayabyab
Allen Mayo [image: com_logo_glossy_medium.png]
Comelec Dagupan may paalala sa mga local candidates sa pagsisimula ng campaign period
Facebook Comments