COMELEC DAGUPAN, NAGHAHANDA NA SA BSK ELECTIONS SA DISYEMBRE

Mag-iisang linggo pa lamang ang nakalipas sa naganap na National and Local Elections sa buong bansa, naghahanda at inilatag na rin ng Commission on Elections Dagupan ang kalendaryo sa gaganapin Barangay and SK Elections.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Dagupan City Election Supervisor, Atty. Michael Franks Sarmiento, naumpisahan na nila umano ang pag-u-update sa voter’s list kung saan sinusuri nila ang voting history ng mga botante. Gayundin ang pag-dedeactivate sa mga hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Samantala, bulto ng tao ang kanilang inaasahan sa mga magpaparehistro sa lungsod at mga mag-pa-patransfer ng kanilang pagbobotohan na gaganapin naman sa July 1-11.
Sa October 1-7 naman nakatakda ang pagfafile ng COC ng mga aspirante, at gaganapin naman ang eleksyon sa December 1. Nilinaw ni Atty. Sarmiento na ang mga naturang petsa ay walang extension.
Tinawag naman ng komisyon ang mga eleksyon sa taong ito na Super Elections dahil ginanap ang National and Local Elections na susundan ng BARMM Elections sa Oktubre, at Barangay and SK elections sa Disyembre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments