COMELEC DAGUPAN, NAKAKATANGGAP NA DIN NG MGA PREMATURE CAMPAIGNING KAUGNAY SA MAGAGANAP NA BSKE SA OKTUBRE

Aminado ang hanay ng Commission on Elections dito sa Dagupan City na nakakatanggap sila ng mga complaints sa kanilang social media pages kaugnay sa tinatawag na premature campaigning sa magaganap na Barangay at Sk Eleksyon sa susunod na buwan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan City Election Supervisor Atty Michael Franks Sarmiento wala umano silang magagawa kung walang mga formal complainant na magdadala na nasabing mga dokumento sa kanilang opisina.
Kahit naman sino aniya basta botante ng Barangay kung saan maifile ang complaint ay pwedeng magreklamo sa tanggapan ng Comelec at maging sa Department of Justice.

Samantala umaabot naman sa mahigit 1,700 ang mga nag-file ng kani-kanilang mga Certificate sa Dagupan City kung saan bago maganap ang file ng COC kung saan ay nasa humigit kumulang dalawang libo ang inaasahan nila sa Lungsod.
Sa ngayon ay naghahanda na lamang ang Comelec Dagupan sa magaganap na ilang pagpupulong dito sa Dagupan City kaugnay na din sa nalalapit na Eleksyon sa Barangay dito sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments