Nakatanggap umano ng dalawang election complaints ang tanggapan ng Commission on Elections Dagupan na may kaugnayan sa di umano’y nagaganap na vote buying sa lungsod.
Ayon COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Frank Sarmiento, natanggap umano nila ang reklamo sa pamamagitan ng kanilang email ngunit hindi sapat ang detalye at kung sinong mga personalidad ang sangkot.
Hinihingan na umano nila ang nagpadalang complainant ng iba pang detalye at ebidensya na magsusuporta sa naturang alegasyon upang makapagbigay sila ng tamang hakbang.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling payapa ang nagaganap na local campaigning sa lungsod ayon sa COMELEC na nasa ilalim ito ng yellow category.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments