COMELEC DAGUPAN, NAKATANGGAP NG PAGBABANTA MULA SA MGA HINDI NAKAHABOL SA VOTER’S REGISTRATION

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Inihayag ng Commission on Elections Dagupan na nakatanggap ito ng pagbabanta mula sa mga indibidwal na hindi nakahabol sa voter’s registration.

Ayon sa COMELEC Dagupan nakatanggap ito ng iba’t-ibang reklamo noong huling linggo ng voter’s registration.

Maliban sa pagbabanta, nakatanggap din ito ng mura at pambabastos.


Ayon sa COMELEC, nagsimula ang voter’s registration noon pang January 2020 at nagkaroon pa ng extension upang mabigyan pa ng panahon ang mga ito na magparehistro.

Humihingi ito ng paumanhin sa mga naabala at hindi napabigyan ng voter’s registration sapagkat hindi umano naging perpekto ang proseso sa kabila ng isinagawang adjustments habang papalapit ng deadline.

Umabot sa 29, 000 ang bagong botante ng Dagupan City. ###

Facebook Comments