COMELEC DAGUPAN, NATANGGAP NA ANG 163 AUTOMATED COUNTING MACHINES PARA SA ELEKSYON 2025

Natanggap na ng COMELEC Dagupan ang 163 Automated Counting Machines (ACMs) at mga baterya nito na gagamitin sa halalan, kahapon.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento, election officer ng COMELEC Dagupan, ligtas na naihatid ang mga makina sa Dagupan City People’s Astrodome na nakatakdang ipamahagi sa 30 voting centers sa lungsod.
Dagdag pa ni Sarmiento na mananatili muna ang mga ACMs sa Astrodome hanggang Mayo 5.
Para sa katiyakan umano ng seguridad nito, ise-seal ang lahat ng entry points ng mga makina. Nakatakda namang isagawa ang final testing at sealing ng mga makina sa Martes, Mayo 6. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments