Patuloy pa rin ang Comelec Dagupan sa pagbibigay paalala sa mga mag fa-file ng kanilang mga certificate of candidacy para sa BSK election ukol sa mga dapat na kakailanganin sa kanilang pag register maging ang mga rules and regulations na ipinatutupad mula pre-campaigning hanggang sa matapos mismo ang eleksyon.
Ang iba kasi, naging matigas pa rin ang ulo at nagsidatingan suot-suot ang kanilang mga campaigning uniform kaya naman bago pa makapasok sa loob ng Astrodome kung saan mag-file ng COC ay sinita na ang mga ito at ipinagpalit ng kanilang mga kasuotan.
Ayon kay Atty. Michael Sarmiento, COMELEC Dagupan, ang campaign period lamang ay nakatakda mula October 19 hanggang October 28 kaya ang kahit ano mang uri ng pangangampanya, directly o indirectly at kahit anong platform pa ay mahigpit na ipinagbabawal hanggang sa magsimula ang period of campaigning.
Kapag tuluyan naman na umanong nakapag-file ng kanilang COC ay awtomatikong kandidato na ang mga ito kaya naman lahat na ng rules and regulations ay mag-aapply na sa kanila kasama na riyan ang premature campaigning.
Kinokonsidera rin ng COMELEC ang mga litrato na nag file ng COC at ipinopost sa mga social media bilang campaigning kaya naman hinikayat nito ang mga registered voted na kung sakali man na may makita sa social media na nagpost ng mga litrato na nagfile ng kanilang COC ay mag-file lamang ng complaint sa kanila para maaksyunan.
Samantala, meron naman ilalabas ang COMELEC na rules and regulation patungkol sa usapin ng vote buying at tinitignan kung paano ang implementation ngunit panigurado umano na magiging multi-stakeholder approach ito kung saan sama sama ang iba’t ibang ahensya sa pagpapatupad at pagmomonitor nito. |ifmnews
Facebook Comments