COMELEC, dapat gawin ang lahat para maproteksyunan ang boto ng mamamayang Pilipino

Iginiit ni Senator JV EJERCITO sa Commission on Elections o COMELEC na gawin ang lahat para maproteksyunan ang boto ng sambayanang pilipino.

Mensahe ito ni Ejercito sa COMELEC  kasunod ng mga napapabalitang problema bago ang halalan sa Lunes, tulad ng aberya sa vote counting machines, mga balota na mali ang napagdalhan, at umano’y mga pre-shaded na balota.

Diin ni Ejercito, sagrado ang boto ng bawat Pilipino kaya dapat siguraduhin ng COMELEC na hindi ito masasayang.


katwiran pa Ejercito, unfair din sa mga kandidato na nagpakahirap mangampanya kung magkakaroon ng iregularidad sa eleksyon at bilangan.

Facebook Comments