Iginiit ni Senator Leila de Lima sa Commission on Elections (COMELEC) na bilisan ang imbesitgasyon sa mga lumalabag sa election law violations pangunahin ang mga namimili ng boto.
Diin ni De Lima, panahon na para sampulan ang mga sangkot lalo na sa vote buying dahil hindi pwedeng puro lang lip service.
Dagdag pa ni De Lima, malaking dagok sa ating demokrasya ang vote-buying at iba pang maling gawain sa panahon ng eleksyon.
Ayon kay De Lima, dapat pag-ibayuhin ng COMELEC ang mga hakbang para maisakatuparan ang isang malinis at patas na halalan.
Paliwanag ni De Lima, malinaw sa Constitution at Omnibus Election Code na kahit walang reklamo ay maaring magsagawa ng imbestigasyon ang COMELEC at kasuhan ang mga election law violations.
Facebook Comments