Comelec, dapat ipahiya ang mga kandidatong maagang nangangampanya at namimili ng boto

Dapat umanong ipahiya ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong maagang nangangampanya at mapapatunayang bumibili ng boto.

Ayon kay Kontra Daya Convenor at UP Professor Danilo Arao, ito ay upang mapilitan ang mga kandidato na itigil na ang mga ganitong aktibidad na nakasanayan na.

Iminungkahi rin ni Arao na dapat magsagawa ang Comelec ng public hearings upang pagsabihan ang mga kandidato.


Inihalimbawa nito sa mga paglabag ang pamimigay ng pera ng aspirants na itinanggi naman ng Comelec na vote buying dahil hindi pa anila nagsisimula ang campaign season.

Facebook Comments