COMELEC, dapat maging transparent kaugnay sa paghahanda sa eleksyon

Iginiit ni Senator Francis Tolentino sa Commission on Elections o COMELEC na ibukas sa pag-inspeksyon o pagbabantay ang lahat ng hakbang nito kaugnay sa paghahanda para sa nalalapit na eleksyon.

Mensahe ito ni Tolentino sa COMELEC sa gitna ng mga pagkwestyon ng election watchdogs at mga election lawyer sa pagbabawal sa observers sa pag-imprenta ng mga balota at sa preparasyon ng mga vote counting machines.

Paalala ni Tolentino sa COMELEC, katungkulan nito na maging transparent bilang bahagi ng pagtiyak sa isang tapat na halalan.


Tiniyak din ni Tolentino na patuloy nilang babantayan ang preparasyon ng COMELEC at iba pang isyu ukol sa papalapit na eleksyon.

Facebook Comments