Comelec, dapat managot sa mga nangyaring aberya sa halalan ayon sa NAMFREL

Nais ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) na papanagutin ang Comelec kaugnay ng mga nangyaring aberya noong halalan.

 

Inisa-isa ni NAMFREL National Council Member Lito Averia ang mga aberya kabilang ang mga sirang vote counting machine, depektibong sd cards at mga low-quality na marking pens.

 

Bukod dito, ilang miyembro ng electoral board at technical support ang hindi handa sa kabila ng training program.


 

Bagama’t bumaba ang insidente ng election-related violence, talamak naman aniya ang vote buying.

 

Nanindigan naman si Lagma na ibalik ang manual counting tuwing halalan dahil nawawala aniya ang transparency ng halalan kung automated pati ang bilangan ng boto.

 

Inirekomenda naman ng NAMFREL sa Comelec na iproklama lang ang mga top 1 hanggang top 5 o top 6 ng mga nanalo sa national positions.

 

Ito ay dahil nasa hanggang 1.2 million na mga boto pa ang hindi nabibilang.

 

Facebook Comments