COMELEC, dumepensa sa pag-apruba sa karagdagang mga barangay na mapapasama sa plebesito sa BOL

Nilinaw ng COMELEC na ang mga naaprubahang dalawampung mga barangay na kasama sa plebesito kaugnay ng Bangsamoro Organic Law ay nakatalima sa itinakdang rekisito ng republic 11054 o BOL.

Nakapag-prisinta rin anila ang mga ito ng sapat na argumento para sabihin na ang kanilang teritoryo ay katabi lamang o nasa boundary ng mga lokal na gobyernong sasaklawin ng BOL.

Kabilang sa mga inaprubahan ay ang mga Barangay Libungan Torreta, upper Pangankalan, Datu Mantil at Simsiman sa bayan ng Pigcawayan.


Aprubado rin ang mga petisyon ng mga Barangay Rajahmuda, Barungis, Gli-Gli, Nalapaan, Panicupan, Nunguan, Manaulanan, Bulol, Bualan at Nabundas sa bayan ng Pikit.

Sa bayan naman ng Carmen, inaprubahan ang petisyon mula sa Barangay Langogan, Pebpoloan, Kibayao, Kitulaan at Tupig, Gayundin ang Barangay Pagangan sa Aleosan,

Ang BOL na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Duterte noong July 26, 2018 ay kinakailangan pang dumaan sa plebisito kung saan pagbobotohan ng mga rehistradong botante sa mga lugar na balak saklawin ng bangsamoro autonomous region kung nararapat ba itong ratipikahan o pahintulutan.

Isinusulong ng batas ang pagbuo ng autonomous political entity na bangsamoro autonomous region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)

Facebook Comments