Pinagtibay ng Comelec en banc ang naunang desisyon ng Comelec First Division na idiskwalipika si Aurora Vice-Gubernatorial Candidate Gerardo Jerry Noveras.
Ito ay kasunod ng pagkakahuli sa isang tauhan ng Aurora provincial government na nag-iimprenta ng campaign materials ni Noveras gamit ang pasilidad ng lalawigan, dahilan para ipatanggal siya ng First Division ng Comelec sa kaniyang pwesto.
Bukod dito, ginawa rin umano casual plantilla sa Kapitolyo ng Aurora ang isang Michael Tecuico na siyang gumawa ng mga tarpaulin ni Noveras.
Ayon sa Comelec, ito ay malinaw na paglabag sa 261 ng Omnibus Election Code dahil ginamit nito ang resources ng gobyerno para sa kanyang kandidatura at pansariling interes.
Facebook Comments