Gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang Twitter para tulungan ang mga botante na mahanap ang kanilang voting precincts bago ang May 13 midterm elections.
Ito ang hakbang ng poll body habang hindi pa activated ang precinct finder application.
Ayon sa Comelec – kailangan lamang magpadala ng direct message ang registered voters sa kanila sa twitter.
Ang mga nilalaman ng mensahe ay ang buong pangalan (kabilang ang middle name, hindi initial), locality, kung saan lugar naging rehistradong botante at birthdate.
Para sa mga kasal na babaeng botante, kailangang ipadala ang full maiden name kasama ang married family name.
Maaari ring sumadya ang mga botante sa kanilang Comelec office para silipin ang certified voter’s list.
Facebook Comments