COMELEC, gagamitin na rin ang social media para matukoy ang gastos ng mga kandidatong nangangampanya online

Manila, Philippines – Gagamitin na rin ng Commission on Election (COMELEC) ang social media para matukoy kung magkano ang nagastos ng mga kandidato sa campaign period.

Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na napapansin nilang mas gumagastos ang mga kandidato sa iba’t ibang online platforms para sa pangangampanya.

Aniya, posibleng sinasamantala ng mga kandidato ang pangangampanya gamit ang social media dahil na rin malaking epekto nito sa mga tao.


Naniniwala ang COMELEC na malaking halaga ang ginagastos ng mga kandidato rito at kinakailangan nila itong i-regulate.

Dahil dito, ibinilin ni Jimenez sa lahat ng mga kandidato na ipasa sa kanila ang mga link ng kani-kanilang online platform para matulungan ang poll body na makita kung sinu-sino ang mga kandidato na nangangampanya sa pamamagitan ng social media.

Kung may mga kandidatong hindi magbibigay ng kanilang linkz, tiniyak ni Jimenez na may sariling paraan ang poll body para malaman kung sino-sino ang nangangampanya online.

Facebook Comments