COMELEC, gun ban violators mahigit isang libo na ayon sa PNP

Umabot na sa 1085 na indibidwal ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa umiiral na Commission on Election (COMELEC) gunban.

Batay ito sa huling monitoring ng PNP Command Center nationwide.

Sa bilang ng mga nahuli, 8 ay pulis, 7 ay sundalo, 13 ay security guard, 1048 ay sibilyan at may 9 na iba pa.


Aabot naman sa 832 mga baril, 382 deadly weapons, at 5,141 na mga bala ang nakumpiska ng PNP sa mga naarestong mga gunban violators.

Ang COMELEC gunban ay magtatagal hanggang June 8, 2022 na layuning magkaroon ng payapang halalan sa Mayo.

Facebook Comments