Comelec, handa na para sa deployment ng official ballots at iba pang election materials

Photo Courtesy: Comelec/Twitter

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng official ballots at iba pang election paraphernalia para sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec Office for Overseas Voting Director Elaiza Sabile David – inihahanda na nila ang shipment ng election materials sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Maliban sa mga balota, isasama rin sa distribution ang listahan ng mga kandidato at instruction sa mga botante.


Ang 1.8 official ballots na gagamitin sa OAV ay nakumpleto na.

Ang OAV ay isasagawa sa Abril, isang buwan bago ang May 13 midterm elections.

Ang mga Overseas Absentee Voters ay boboto lamang para sa national positions: 12 senador at isang party-list group.

Facebook Comments