Handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa May 13 midterm elections.
Ito ay matapos simulan kahapon ang final testing and sealing (FTS) para sa 85,000 vote counting machines (VCM).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang delivery ng mga election materials ay halos 100% tapos na.
Sa ilalim ng FTS, malalaman kung ang VCM ay kayang bilangin ang mga boto ng tama at kung ang resulta ay mai-ta-transmit mula sa polling precincts patungong canvassing centers.
Inaasahang maipoproklama ang mga mananalo sa local elections sa loob ng 24 hanggang 36 na oras matapos isara ang botohan sa polling precincts.
Target naman ng poll body na maiproklama ang magic 12 sa senatorial race sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ng elections.
Facebook Comments