Comelec, handa na sa ikalawang BOL plebiscite

Nakahanda na ang Commission on Election o Comelec para sa ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa North Cotabato at Lanao del Norte.

Ayon kay Atty. Frances Arabe, Director ng Education and Information Department ng Comelec, naipamahagi na nila ang mga paraphernalia na gagamitin sa botohan ngayong araw.

Aniya, nakahanda na rin ang mga guro na magsisilbing plebiscite committee member.


Gayundin aniya ang mga pulis na posibleng pumalit sa mga guro sakaling magkaroon ng problema.

Tiniyak rin ni Arabe na sa ngayon ay wala silang namo-monitor na anumang banta sa isasagawang ikalawang plebisito.

Facebook Comments