All systems go na ang Comelec sa 83 polling centers sa ibat-ibang panig ng mundo.
Kaugnay ito ng pagsisimula ng overseas absentee voting bukas.
Gayunman, kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na may tatlong lugar ang hindi makakapagdaos ng absentee voting dahil sa kaguluhan doon partikular sa Damascus, Tripoli at Baghdad.
Kasabay ng pagdaraos ng Overseas Absentee Voting, inaabangan din ang Comelec ang posibleng magiging reaksyon ng publiko o nang mga grupong nais magpakalat ng mga fake news gaya nang nangyari noong 2016 Overseas Absentee Voting
Magugunitang Noong 2016, lumutang sa mga unang araw pa lang ng Oversease Absentee Voting ang mga pekeng balita na nagsasabing tapos na ang botohan at ang bilingan; gayundin ang fake news hinggil sa hindi tamang pagbasa ng vote counting machine o VCM sa tunay na ibinoto ng ilang botante.