COMELEC, handa sa eleksyon kahit nalagasan ng tatlong opisyal

Hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa halalan sa Mayo.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon ay matagal ng ginagawa at natugunan na noon pang nakaraang buwan.

Kumpiyansa rin si Jimenez na makakayanan ng mga natitirang opisyal ng COMELEC ang mga hamon.


Dagdag pa ng opisyal na hindi maglalabas ng apela ang poll body para sa agarang appointment ng mga bagong commissioner.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na may shortlist na si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng appointees na maaring pumalit sa tatlong nagretirong opisyal na sina Chairperson Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon, at CommissionersAntonio Kho Jr.

Samantala, naghahain din ng resignation si Jimenez bilang tagapagsalita ng COMELEC upang bigyan ng pagkakataon si Acting Chair Socorro Inting na pumili ng sinumang nais niyang italaga sa posisyon.

Facebook Comments