Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda sila sakaling ituloy ang kaso laban sa mga ipinatutupad nilang regulasyon ngayong panahon ng kampanya partikular na ang Oplan Baklas.
Kasnuod ito ng nagbanta ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magsasampa ng kaso sa COMELEC matapos pagbabaklasin ang kanyang campaign posters sa ilang bagi hang bansa.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, mayroon silang operational guidelines na sinusunod.
Aniya, hindi naman talaga puwedeng basta-basta magbaklas ng mga campaign materials kaya naman sa polisiya ng COMELEC ay nagpapalaam muna ang kanilang officers.
Tiniyak naman ni Jimenez na may pananagutan din ang kandidatong mapapatunayang na lumalabag sa mga patakaran ng COMELEC.
Facebook Comments