COMELEC, handang humarap sa anumang korte sakaling may magsampa ng reklamo kaugnay sa idinaos na halalan

Handa ang Commission on Elections (COMELEC) na humarap sa anumang korte sakaling mayroong pormal na maghain ng reklamo kaugnay sa idinaos na 2022 elections.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, batid nilang patuloy ang pagbatikos sa kredibilidad ng halalan hanggang ngayong nagsasagawa ng bilangan ng mga boto.

Kabilang na aniya rito ang pagsasagawa ng kilos protesta at ang kumakalat sa social media na consistent 47% ratio o agwat ng mga boto sa pagitan ni Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.


Muli namang nanindigan ang poll body na tapat at may kredibilidad ang katatapos lang na halalan.

Facebook Comments