Comelec, handang sagutin ang mga reklamo hinggil sa nagdaang 2025 Midterm Elections

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na handa silang humarap sa anumang imbestigasyon kaugnay ng nakaraang halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, matagal na nilang sinagot at pinabulaanan ang mga paratang na ibinabato laban sa kanila.

Paliwanag pa ni Garcia na naging maayos, matapat, at tahimik ang halalan kung saan pinatotohanan ng mga grupong tumutok tulad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), European Union, ilang embahada, simbahan, paaralan, at iba pang mga organisasyon.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga salungat na opinyon ay bahagi ng isang bansang may demokrasya.

Nabatid na ang mga pahayag ni Garcia ay kasunod ng inaasahang paglapit ng ilang grupo sa National Bureau of Investigation (NBI) para paimbestigahan ang Comelec at ang mga kasamahang commissioner hinggil sa mga sinasabing anumalya sa 2025 Midterm Elections.

Kinabibilangan ito ng mga tauhan ng simbahan, pulitiko, dating mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), pulitiko, at iba pang sektor.

Facebook Comments