Malugod na tatanggapin ng Commission on Elections (COMELEC) sa anumang solusyon sa problema ng premature campaigining.
Ito ang reaksyon ni COMELEC Spokesperson James Jimenez sa isinusulong panukala ni Sen. Leila De Lima na parusahan ang mga nagsasagawa ng Premature Campaigning o maagang nangangampanya.
Pero sinabi ni Jimenez, dadaan sa butas ng karayom ang panukala lalo na at ang mga maapektuhan ay mga pulitiko mismo.
Sa ilalim ng Automated Election System Law, sinuman ang maghain ng kanyang Certificate of Candidate ay ikinukunsiderang kandidato sa pagsisimula ng campaign period.
Facebook Comments