Hihintayin ng Commission on Elections (COMELEC) ang deklarasyon ng Kongreso na bakante na ang pwesto ni Cavite 7th District Rep. Crispin “Boying” Remulla bago magdaos ng special elections sa nasabing distrito.
Ito ay makaraang italaga ni presumptive President Ferdinand “Bongbong ” Marcos Jr. si Rep. Remulla bilang bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na sa ilalim ng incompatible office ay hindi maaaring sabay manilbihan bilang isang kongresista at miyembro ng gabinete.
Kung kaya’t dapat ideklarang bakante ng Kongreso ang posisyon ni Remulla at magpasa ng batas hinggil dito.
Paliwanag pa ni Garcia, maaari rin namang magtalaga na lang ang Speaker of the House ng care taker sa distrito na pwedeng aktuhan ng isang kongresista mula sa kalapit na distrito o di naman kaya ay nasa discretion na mismo ng House speaker kung sino ang ilalagay na care taker sa 7th district ng Cavite.
Anuman aniya sa dalawang opsiyon na mapagpapasyahan ng Kongreso ay nakahandang gawin at irerespeto ng poll body.
Facebook Comments