Hinamon ng Commission on Elections (COMELEC) si Duterte-Youth Chairperson Ronald Cardema na magsampa na lamang ng kaso kaugnay ng kanyang alegasyon laban kay Commissioner Rowena Guanzon.
Pero giit ni Cardema, noong nagparehistro ang Duterte Youth noong May 2018 ay malinaw na kinakatawan nila ang mga kabataan at mga professionals.
Noong naghain sila ng Certificate of Nomination, apat sa limang nominees nila ay 40 years old pataas pero hindi ito naging isyu sa poll body noon.
Dagdag pa ni Cardema, Enero pa lamang ay alam na niyang pumasa na ang Duterte Youth bilang Multisectoral Party-List Group kaya nagtataka siya kung bakit naging isyu ang kanyang edad noong siya na ang naging nominee matapos nilang magpa-substitute.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, base sa desisyon ng first division, hindi napatunayan ng Duterte Youth na kinakatawan nila ang mga young professionals.
Ginamit lamang ng kampo ni Cardema ang argumento noong na-petisyon na ang kanilang grupo.
Una nang iginiit ni Guanzon kay Cardema na sundin ang batas.
Dagdag pa ni Guanzon dapat nang magpatingin sa Psychiatrist si Cardema dahil tila may problema na ito sa pag-iisip.