COMELEC, hindi muna ipatutupad ang ‘new normal’ campaign rules

Hindi muna ipatutupad ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘new normal’ campaign rules hangga’t hindi pa nareresolba ang isang petisyon na nakahain sa Baguio City Regional Trial Court Branch 5.

Ito ay may kaugnayan sa temporary restraining order na inihain laban sa COMELEC resolution 10732 kung saan nakasaad na required munang humingi ang mga kandidato o kanilang volunteers at supporters ng campaign permit bago payagang magdaos ng face to face campaign event.

Sinabi ng kinatawan ng COMELEC sa naging pagdinig na si atty. Romeo aguilar, dahil dito ay maaari pa ring magsagawa ng campaign activities ang mga volunteer groups kahit walang permit mula sa COMELEC batay na rin sa utos ng korte.


Una nang nagpahayag ng pagtutol sa COMELEC resolution ang ilang election lawyers at tinawag din itong ‘unconstitutional.’

Matatandaang pinuna ng COMELEC ang idinaos na proclamation rally ni presidential candidate Ka Leody de Guzman sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Pebrero 8 dahil wala umano itong permit mula sa kanila.

Facebook Comments