Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na hindi na sila magsasagawa ng live na presidential at vice presidential debate.
Ito’y dahil na rin sa kumplikadong schedule ng mga kandidato matapos makansela ang naunang itinakdang debate na dapat sana ay noong April 23 at 24.
Sinabi ni Garcia, nagdesisyon sila na gawin na lang panel interview ang format bilang konsiderasyon sa mga lakad at aktibidad na una ng schedule ng mga kandidato.
Sa nasabing format, sasalang ang isang kandidato ng isang oras na recorded panel interview kung saan gusto ng kandidato at maaari rin itong gawin virtually o face-to-face.
Dagdag pa ni Garcia, ang COMELEC na rin ang mag-aadjust para hindi maabala ang schedule ng kandidato katuwamg ang Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas (KBP).
Target ng Comelec na maisagawa ang mga pre-taped panel interview mula May 6 hanggang May 9, 2002kung saan nagpadala na sila ng imbistasyon sa mga kandidato at inaasahan nila na malalaman ang sagot mamayang hapon.