Comelec, hindi na palalawigin ang deadline ng ‘Register Anywhere’ Program

Muling ipinapaalala ng Commission on Elections (Comelec) na wala silang plano na magbigay ng extension sa publiko kaugnay sa ‘Register Anywhere’ Program.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hanggang August 31 na lamang ang naturang programa at hindi na ito palalawigin.

Ang ‘Register Anywhere’ Program ay paraan para makapagpatala ang mga bagong botante at makapagpalipat ng kanilang voting place.


Karaniwang mga nasa malls ang ‘Register Anywhere’ Program ng hanggang August 31 kung saan maaari pa rin naman daw magpatala ang mga bagong botante sa mga election office na nakakasakop sa lugar kung saan sila boboto sa 2025 Midterm election.

Matatandaan na tatagal ang registration sa mga tanggapan ng Comelec ng hanggang September 30 kung kaya’t patuloy ang kanilang panghihimok na magpatala na upang makaboto sa susunod na halalan.

Facebook Comments