Hindi pa mailalabas ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa Halalan 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaaring tumagal pa ng dalawang liggo ang proseso o bago maisapinal ang listahan ng mga kandidato.
Aniya, marami pa silang hindi natatapos na petisyon para sa pagdedeklarang nuisance o panggulo ang kandidato.
Nitong Martes, natapos na ng Comelec ang raffle sa pagkakasunod-sunod ng 166 partylist groups sa balota.
Facebook Comments