Comelec, hindi pa natatanggap ang kopya ng pag-atras ni Doc Willie Ong sa senatorial race

Sa kabila ng pahayag na aatras sa kandidatura bilang senador, wala pa raw natatanggap ang Commission on Elections (Comelec) na kopya ng pormal na withdrawal ni Dr. Willie Ong.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi pa natatanggap ng law department ang pagbawi ng kandidatura ni Ong.

Sakali naman daw na hindi personal na makadalo si Doc Willie ay pwede itong ipadala sa kahit sinong miyembro ng kaniyang pamilya.


Sinabi ng cardiologist na aatras na siya sa midterm elections upang iprayoridad ang kalusugan.

Samantala, hindi na raw maaalis sa balota ang pangalan ni Ong lalo’t tuloy-tuloy na ang pag-imprenta at hindi na rin mababago ang numero ng mga kandidato.

Dahil diyan, sinabi ni Garcia na ikokonsidera na raw na stray vote ang makukuhang boto ni Ong sa halalan.

Facebook Comments